Matagumpay na ipinagdiwang ng lungsod ng Cagayan de Oro ang 51st Nutrition Month nito lamang Hulyo 31, 2025 sa City Tourism Hall, Cagayan de Oro City.

Dumalo sa aktibidad sina City Health Office Department Manager Dr. Rachel Dilla, Committee on Health Chairperson City Councilor Dr. Paolo Nicolo Gaane, na kumatawan kay Mayor Klarex Uy, City Nutrition Action Officer Caroline Cabunoc, mga miyembro ng City Nutrition Committee, Barangay Nutrition Committee, mga barangay nutrition scholars at marami pang iba.

Sa pagtatapos ng selebrasyon, isinagawa ang dance contest na sinalihan ng mga barangay kung saan nagwagi ang Brgy Carmen, bilang kampeon, nakakuha naman ng ikalawang pwesto ang Brgy Bulua, at ikatlong pwesto ang Brgy 17.

Ang tema ng pagdiriwang ngayong taon ay “Food at Nutrition Security Maging Priority! Sapat na Pagkain Karapatan Natin!”

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *