Ipinasilip sa publiko ang Integrated Command Center ng Davao City Police Office sa ilalim ng liderato ni Police Colonel Mannan C. Muarip, Acting City Director, bilang tugon sa 5-Minute Response ni Police General Nicolas D Torre III, Chief, PNP nito lamang umaga ng Huwebes, Hulyo 31, 2025.

Nakiisa ang mga lokal na media at nagsagawa ng isang simulated operational setting upang subukan ang kahandaan ng Davao City PNP sa anumang uri ng emergency at police assistance.

Ang Integrated Command Center ay itinatag upang masiguro ang kaligtasan, kaayusan at maibigay ang serbisyo publiko para sa mamamayang Davaoeño.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *