Tinalakay ang Republic Act 9165 na mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Barangay Bulatok, Lungsod ng Pagadian, Zamboanga del Sur nito lamang ika-3 ng Agosto 2025.

Pinagunahan ng Pagadian City Police Station sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Jerwin SD Cagurin, Chief of Police ng Pagadian CPS, na dinaluhan ng mga Barangay Officials, mga Purok Leaders, Kabataan, at mga SK Officers ang nasabing aktibidad.

Isinagawa ang aktibidad bilang bahagi ng pagdiriwang ng International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking (IDADAIT).

Layunin ng inisyatibong ito na palawakin ang kaalaman ng mga kabataan ukol sa masamang epekto ng ipinagbabawal na gamot at upang isulong ang adhikain para sa isang komunidad na malaya sa droga.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *