Narekober ang tinatayang P3 milyong halaga ng mga puslit na yosi sa ikinasang operasyon ng mga otoridad sa Sitio Labuyo, Barangay Gango, Zamboanga Sibugay nito lamang Agosto 6, 2025.
Kinilala ang suspek na si alyas “Arnel” 22 anyos, lalaki, residente ng Purok Orchids Brgy. Buluan, Ipil, Zamboanga Sibugay.
Narekober mula sa suspek ang 53 master cases na kinabibilangan ng 46 kahon ng Astro cigarettes at pitong kahon ng D&G cigarettes.
atuloy ang kampanya ng PNP sa iligal na aktibidad at smuggling upang masiguro ang kaayusan at kapayapaan sa pamayanan.