Idinaos ang blood donation program bilang pagpapakita ng tunay na diwa ng bayanihan at serbisyo sa kapwa nito lamang Agosto 6, 2025 sa Davao Occidental General Hospital, Brgy. Lacaron, Malita, Davao Occidental.

Ang aktibidad ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng Philippine Red Cross, lokal na mga ospiyal sa lalawigan, volunteers, AFP at PNP.

Ang nalikom na mga dugo ay para sa mga emergency care, operasyon, at may malubhang karamdaman.

Nagpaabot ng pasasalamat ang Philippine Red Cross at health partners sa aktibong partisipasyon sa lahat na lumahok na pinakita ang pagkakaisa at bayanihan para matulungan ang ating kababayan na nangangailangan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *