Isinuko ang anim na loose firearms sa mga awtoridad sa Barangay Ganasi, Upi, Maguindanao del Norte nito lamang Agosto 5, 2025.
Ito ay pinangunahan ng Joint Peace and Security Committee at ng JPST Operations Center ang isinagawang ceremonial turnover.
Nabatid na ang mga isinukong armas ay iba’t ibang uri kaugnay ito sa kauna-unahang parliamentary elections ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Sinisiguro ng pamahalaan ang kaayusan at kapayapaan sa rehiyon tungo sa pagkamit ng kaunlaran.
