Patay ang tatlong miyembro ng teroristang grupong Dawlah Islamiya matapos manlaban sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Brgy. Lamin, Lumbayanague, Lanao del Sur nito lamang Agosto 9, 2025.

Kinilala ang mga nasawi na sina alyas “Mohammad” alyas “Abdullah”, at alyas Nahara, pawang may mga kinakaharap na high profile criminal cases sa iba’t ibang korte sa Iligan City, Lanao del Sur, at Marawi City.

Sa bisa ng mga Warrants of Arrest sa kasong paglabag sa Murder at Multiple Counts of Homicide na parehong walang inirekomendang piyansa.

Samantala, naaresto naman ang mga suspek na sina alyas “Fahad”, alyas “Norhan”, at alyas “Asnawi” matapos tangkaing tumakas sa lugar.

Narekober ng mga awtoridad ang ilang assault rifles, mga granada, anti-tank rocket launchers, at mga improvised explosive devices mula sa mga terorista.

Solido ang PNP at AFP sa pagtuldok ng karahasan at terorismo dulot ng mga teroristang grupo upang matiyak ang kaligtasan at kapayapaan tungo sa pagkamit ng kaunlaran.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *