Tinatayang nasa Php350,000.00 halaga ang nasunog sa isang kilalang Mall sa Cagayan de Oro City nito lamang Martes ng ika-12 ng Hunyo 2023.

Napag-alaman na ang nasunog ay nagsimula sa storage room sa opisina ng Professional Regulation Commission 10 na sakop sa Limketkai Mall.

Dakong 1:23 ng hapon nang sumiklab ang apoy na agad naman nirespondehan ng mga tauhan ng Lapasan Fire Station.

Ayon kay Fire Inspector Samson Velarde, Spokesperson ng Bureau of Fire Protection, CDO walong piraso ng breathing apparatus ang kabuang nagamit ng mga rumesponde upang mabilis na maupala ang nasusunog na establisyemento.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang malaman kung ano ang pinagmulan ng sunog na may kabuang Php350,000.00 halaga ang nasira.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *