Isa sa mga kilalang pamanang kultural sa Xavier University ang Museo de Oro, na nagsisilbing tahanan ng mayamang kasaysayan, sining, at kultura ng Mindanao.

Itinatag noong 1967, ang museo ay naglalaman ng iba’t ibang koleksiyon ng mga sinaunang kagamitan, artifacts, at mga bagay na sumasalamin sa pamumuhay at paniniwala ng mga katutubong komunidad.

Tampok din dito ang mga eksibit hinggil sa kasaysayan ng rehiyon at mahahalagang pangyayari na humubog sa Mindanao.

Layunin ng Museo de Oro na mapanatili at maipasa sa susunod na henerasyon ang mayamang pamana ng lahi.

Sa pamamagitan ng mga educational tour at research access, nagsisilbi rin itong lugar ng pagkatuto para sa mga estudyante, guro, at mananaliksik.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *