Nasakote ang isang estudyante sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Attempted Murder sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad sa Don Pedro Celdran, Tubod, Iligan City, Lanao del Norte nito lamang Agosto 20, 2025.
Kinilala ang suspek na si alyas “Mujeb”, 18 anyos, may asawa, isang estudyante, at residente ng Purok 1, Nangka, Baloi, Lanao del Norte.
Solido ang PNP sa paghuli sa mga taong may panamagutan sa batas at ilagay sa likod ng rehas.