Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek nito lamang ika-21 ng Agosto 2025 sa Sitio Abdila, Brgy. Adaon, Datu Anggal Midtimbang, Maguindanao del Sur.

Ayon sa inisyal na ulat ng pulisya, natagpuan ang biktima na wala ng buhay sa pinangyarihan ng insidente.

Naka-brown na shorts at walang suot na pang-itaas ang biktima nang madiskubre ng mga operatiba.

Batay sa imbestigasyon, tadtad ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima.

Narekober din sa biktima ang dalawang pakete ng hinihinalang shabu.

Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy ang masusing imbestigasyon ng kapulisan upang matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima at motibo ng mga suspek sa krimen.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *