Tinatayang nasa Php215,520.00 halaga ng puslit na yosi ang narekober ng mga otoridad sa ikinasang operasyon nito lamang Agosto 20, 2025 malapit sa Cogon Public Market, Cagayan de Oro City.

Nabatid na namataan ng mga operatiba ang lantaran na pagbebenta ng assorted na puslit na yosi ngunit walang naabutang nagbabantay sa stall.

Nasamsam ang apat na master cases, 64 na reams, 54 na pakete ng iba’t ibang brand ng puslit na yosi na may kabuuang halaga na higit P215,520.00.

Ang PNP ay solido sa adhikain na tuldukan ang iligal na aktibidad sa komunidad na nakaka-apekto ng kalusugan ng mamamayan at hadlang sa pagkamit ng kaayusan at kaunlaran.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *