Patuloy na dinarayo ng mga lokal at dayuhang turista ang Amaya View, isa sa pinakasikat na destinasyon sa lungsod na matatagpuan sa itaas ng Indahag Hills, Cagayan de Oro City.

Kilalang kilala ang Amaya View sa mala-Baguio na tanawin at malamig na klima, na nagbibigay ng kakaibang karanasan sa mga bisita.

Tampok dito ang infinity pool, Skywalk, Hobbit Houses, Noah’s Ark, at iba pang pasyalan na angkop para sa pamilya, barkada, at mga magkasintahan.

Maliban sa magagandang pasyalan, kilala rin ang Amaya View sa mga kainan at iba’t ibang resto-café na nag-aalok ng masasarap na pagkain habang tinatamasa ang panoramic view ng buong Cagayan de Oro.

Sa patuloy na paglago ng turismo sa Cagayan de Oro City, malaking bahagi ang naiaambag ng Amaya View sa pagpapalakas ng lokal na ekonomiya at pagpapakilala ng lungsod bilang pangunahing destinasyon sa Northern Mindanao.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *