Narekober ang tinatayang P21,011,910.00 halaga ng puslit na yosi sa isinagawang seaborne operation ng mga otoridad sa karagatan malapit sa Sta. Cruz Island, Zamboanga City nito lamang Agosto 19, 2025 bandang 3:20 ng madaling araw.
Nabatid na narekober mula sa isang motorboat na lokal na kilala bilang “Jungkung” na kargado ng mga assorted na puslit na yosi.
Nagresulta ito sa pagkaka-aresto ng limang indibidwal, pawang residente ng Barangay Mariki, Zamboanga City.
Narekober 185 master cases ng Bravo (Red), 100 master cases ng Champion (Menthol), 62 master cases ng Cannon (Menthol), 10 master cases ng Berlin (Red), 5 master cases ng Fort (Menthol), 2 master cases ng L3 (Menthol), 2 master cases ng New RS (Menthol) at 35 reams ng Bravo (Red).
Sa kabuuan, 366 master cases at 35 reams ng iba’t ibang puslit na yosi ang nakumpiska ng mga otoridad.
Ang PNP ay solido sa adhikain na tuldukan ang iligal na aktibidad sa komunidad na nakaka-apekto ng kalusugan ng mamamayan at hadlang sa pagkamit ng kaayusan at kaunlaran.
