Isinuko ang iba’t ibang kalibre ng baril at pampasabog mula sa mga bayan ng Pahamudin, Nabalawag, at Kadayangan sa Barangay Salunayan, Midsayap, North Cotabato nito lamang Agosto 21, 2025.
Ito ay dinaluhan ng mga kasundaluhan at kapulisan katuwang ang lokal na pamahalaan na may layunin na mapanatili ang kapayapaan kontra loose firearms sa ilalim ng Small Arms and Light Weapon Management Program.
Ito ay malinaw na mensahe ng pagsuporta ng mga reaidente sa adhikain ng pamahalaan tungo sa pagkamit ng kaayusan at kapayapaan.


