Isinagawa ang Run with the Chief na pinangunahan ni Police General Nicolas D Torre III, Chief ng Philippine National Police, empleyado, estudyante at at runner enthusiasts sa Parklinks, Brgy. Rosario, Pasig City nito lamang umaga ng Linggo, Agosto 24, 2025.

Ito ay nagsimula sa Dance Fitness session na nagsilbing warm-up exercise ng lahat ng kalahok.

Ang aktibidad ay may 3K, 5K, at 10K category, na sumubok sa tibay at tatag ng mga lumahok habang dinadaanan ang mga pangunahing kalsada sa paligid ng Parklinks.

Matapos ang takbuhan, iginawad ang mga tropeo at medalya sa mga top finishers ng bawat kategorya.

Sa pagtatapos ng aktibidad, nagpahayag ng pasasalamat si PGen Torre III, sa lahat ng lumahok at tiniyak na ipagpapatuloy ng PNP ang ganitong mga programa na nagsusulong ng fitness, camaraderie, at community partnership.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *