Tinanghal na kampeon ang Barangay Lumbia sa ginanap na Oro Higalaay Street Dancing Competition 2025 nito lamang Agosto 26, 2025 sa Misamis Oriental Integrated Sports Complex.

Bukod sa kampeonato, humakot din ito ng iba’t ibang parangal kabilang ang Best in Choreography, Best in Production Design, at Best Storyline.

Naiuwi ng Lumbia ang ₱500,000 bilang kampeon sa Higalaay Dance Showdown, ₱50,000 para sa street dancing, at karagdagang cash at produktong premyo mula sa mga sponsor.

Nakamit naman ng Barangay Lapasan ang 1st runner-up sa dance showdown na may premyong ₱400,000, habang 2nd runner-up ang Barangay Carmen na tumanggap ng ₱300,000.

Sa street dancing category, itinanghal na 1st runner-up ang Barangay Kauswagan na may ₱40,000 premyo, at 2nd runner-up muli ang Barangay Carmen na may ₱30,000.

Ayon kay Mayor Rolando “Klarex” Uy, ang kompetisyon ay hindi lamang pagpapakita ng talento kundi isang simbolo ng pagkakaisa at pagkakaibigan, bilang bahagi ng pagdiriwang kay Senior San Agustin, Patron ng Cagayan de Oro.

Ang Higalaay Street Dancing Competition ay isa sa pinakaaabangang core events ng Higalaay Festival, kung saan muling napatunayan ng mga barangay ang makukulay na kultura at kasaysayan ng lungsod.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *