Ipinamahagi ang sako-sakong bigas na hatid ni BTA Member of Parliament Mohammad Kelie Antao para sa mga residente sa Ligawasan, SGA-BARMM nito lamang ika-24 ng Agosto 2025.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng tanggapan ni BTA Member of Parliament Mohammad Kelie Antao katuwang ang 1st General Assembly Cum Voters Education, at Da’wah and Masjid Affairs.

800 Imam at Ustadz ang nakatanggap ng tulong na bigas mula kay MP Mohammad.
Nagkaroon din ng isang pagpupulong, na kung saan tinalakay ang pinakamahalagang papel na ginagampanan ng mga Religious Sector sa pagpapalaganap ng relihiyong Islam at pagpapatibay sa diwa ng kapayapaan at pagkakaisa.
