Narekober ang tinatayang P2.6 milyong halaga ng mga puslit na yosi sa ikinasang operasyon ng mga otoridad sa Purok Cabu, Barangay Bawing, General Santos City ganap na 3:00 ng madaling araw nito lamang Lunes, Setyembre 1, 2025.

Kinilala ang dalawang suspek na sina alyas “Kisar”, 32 anyos, may asawa at alyas “Mar”, 31 anyos, binata, pawang residente ng Polomolok, South Cotabato.

Nabatid na nahuli ang dalawang suspek habang nagbibyahe ng mga sigarilyong walang kaukulang graphic health warning label at lumabag sa Republic Act 10643 o ang Graphic Health Warning Law.

Narekober ang 130 kahon ng Cannon Brand Cigarettes, bawat kahon ay naglalaman ng tig-50 rims, na may kabuuang 6,500 rims na tinatayang nagkakahalaga ng P2.6 milyon.

Ang PNP ay solido sa adhikain na tuldukan ang iligal na aktibidad sa komunidad na nakaka-apekto ng kalusugan ng mamamayan at hadlang sa pagkamit ng kaayusan at kaunlaran.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *