Isinagawa ang Tuna Festival Job Fair na magbibigay ng mga magagandang trabaho para sa lahat ng residente ng rehiyon 12 sa Veranza Activity Center, General Santos City nito lamang ika-3 ng Setyembre 2025.

Pinangunahan ni City Mayor Hon. Lorelie Geronimo Pacquiao, ang pagbubukas ng Job Fair Program bilang bahagi ng Tuna Festival 2025.

Dinaluhan din ito ng Department of Labor and Employment at iba pang pribadong kumpanya na nag-aalok ng mga trabaho.

Mahigit na 57 employers ang nag-aalok ng mga trabaho at 2,350 naman na mga job vacancies ang iniaalok mula sa mga pribadong kumpanya.

Nagkaroon ng mga On-The-Spot Interviews mula sa mga Top Employers.

Sinabi ni Mayor Pacquiao, sa kanyang mensahe na samantalahin ang ganitong mga pagkakataon na makakuha ng mga magagandang trabaho upang makatulong sa pamilya.

Ang ganitong inisyatibo ay bahagi ng patuloy na programa ng pamahalaan upang mapabilis ang proseso ng paghahanap at pagkuha ng trabaho, makatulong sa career guidance ng mga aplikante, at makapag-ambag sa pagpapababa ng unemployment rate at pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *