Sumuko ang walong aktibong miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters Karialan at Bungos Faction sa bayan ng Mamasapano, Maguindanao del Sur nito lamang ika-4 ng Setyembre 2025.
Kasabay ng kanilang pagbabalik-loob ay ang pagsuko ng kanilang matataas na calibre ng armas kabilang ang Improvised 7.62mm; Improvised 81mm mortar; Shotgun; RPG; Improvised 60mm mortar; Uzi KG45; Uzi KG45; Improvise M79, mga bala at magazine.
Tumanggap ang mga sumuko ng Financial assistance, farm inputs at bigas mula sa LGU ng Datu Saudi Ampatuan Mayor Datu Bassir Banjo Utto, BARMM Government, Provincial Government, BM Kahal Jack Kedtag at ibat ibang LGU Officials ng naturang lugar.
Patuloy ang pamahalaan sa panawagan sa lahat ng miyembro at tagasuporta ng teroristang grupo na magbalik-loob at magsimulang muli kasama ang kanilang pamilya.
