Nakatanggap ng financial assistance ang 759 benipisyaryo ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) noong Setyembre 6, 2025 sa Casinglot Covered Court, Barangay Casinglot, Tagoloan, Misamis Oriental.

Muling nanawagan si Deputy Speaker Bambi Emano, sa mga benepisyaryo na gamitin sa tama ang natanggap na tulong at, kung maaari, ay palaguin ito.

Tumanggap ng tig P3,000.00 ang bawat isa mula sa iba’t ibang bayan ng Misamis Oriental kabilang ang Claveria, Jasaan, Villanueva, at Tagoloan.

Layunin ng programa na magbigay ng agarang tulong-pinansyal sa mga indibidwal at pamilyang nakararanas ng matinding pangangailangan, kasabay ng panawagang gamitin ito bilang panimulang hakbang tungo sa mas maayos at matatag na pamumuhay.  

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *