Isinagawa ang Anti-Bullying at Drug Awareness and Prevention Lecture sa mga mag-aaral ng Tubi-Ala Elementary School, Barangay Tubi-Ala, Surallah, South Cotabato nito lamang Setyembre 9, 2025.

Ang aktibidad ay inisyatibo ng Surallah Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Josef J Clarete, Acting Chief of Police, na nilahukan ng mga Grade 5 and 6 students ng nasabing paaralan.

Ang nasabing aktibidad ay naglalayong turuan ang mga kabataan sa mga panganib na maidudulot ng bullying at ang paggamit ng iligal na droga, isinulong ang drug-free lifestyle, at himukin ang mga mag-aaral na maging responsableng miyembro ng komunidad.

Ang hakbang na ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas na itaas ang kamalayan ng mga kabataan at palakasin ang mga hakbang sa pag-iwas laban sa mga aktibidad ng bullying at iligal na droga.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *