Idinaos ang 54th Founding Anniversary at Kasadyaan Festival sa Municipal Ground, Alabel, Sarangani Province nito lamang September 10, 2025.
Ito ay dinaluhan ng mga personahe ng Saranani Police Provincial Office sa ilalim ng liderato ni Police Colonel Jerone Orville P Panganiban, Acting Provincial Director na pinangunahan ni Hon. Lilibeth J. Salarda, Municipal Mayor ng Alabel.
Dumalo din sina Hon. Steve C. Solon, Congressman ng Sarangani Province, Hon. Rogelio D. Pacquiao, Governor ng Sarangani Province at iba pang mga alkalde ng nasabing lalawigan.


Ang 54th Founding Anniversary at 24th Kasadyaan Festival ay isang mahalagang pagdiriwang ng mga taga Alabel.
Ang “Kasadyaan “ay salitang Bisaya na nangangahulugang “Kasiyahan”.
Ang Festival na ito ay ginaganap bilang pagpapakita ng mayamang kultura, tradisyon, at talento ng mga mamamayan.
Layunin ng mga ganitong selebrasyon na ipaalala ang kasaysayan, ipagdiwang ang mga tagumpay, at palakasin ang pagkakaisa at pag-unlad ng komunidad.
Pinapalakas din nito ang samahan ng mga mamamayan, pamahalaan, at pribadong sektor sa iisang pagdiriwang.