Matagumpay na naisagawa ang Medical Outreach Program and Feeding Activity sa Datu Hoffer Ampatuan, Maguindanao del Sur nito lamang ika-9 ng Setyembre 2025.
Ang naturang aktibidad ay dinaluhan ng Municipal Local Government Unit ng Datu Hoffer Ampatuan sa pamumuno at suporta ni Kgg. Datu Prince Sufri M. Ampatuan, Municipal Mayor at aktibong nakiisa ang mga personahe ng Datu Hoffer Ampatuan Police Station.


Nakatanggap ng libreng medical check-up at food packs ang mga Persons with Disability o PWD’s ng naturang lugar.
Layunin ng programa na maipadama ng mga kapulisan at ibang pang ahensya ng pamahalaan na maipadama sa mga mamamayan ng komunidad ang malasakit at pagmamahalan para sa isa’t isa tungo sa pagkamit ng kaayusan at kaunlaran sa rehiyon Bangsamoro.