Tiklo ang dalawang lalaki matapos makumpiskahan ng mga baril at bala sa Barangay Sambulawa, Maguindanao del Sur nito lamang ika-16 ng Setyembre 2025.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Musa” at “Norodin”, pawang nasa wastong taong gulang.

Ayon sa ulat ng pulisya, habang isinisagawa ang checkpoint operation nang sitahin ang isang Toyota Hilux na sasakyan at napansin ang ilang baril na lantad sa loob ng sasakyan.

Nang hingan ng kaukulang dokumento ang mga suspek, kabilang na ang COMELEC “Gun Ban Exemption” permit ay walang maipakita ang mga suspek kaya agad itong inaresto.

Kasong paglabag sa R.A.10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Regulation Act at COMELEC Gunban ang kakaharapin ng mga suspek.

Patuloy na pinaaalalahanan ng PNP ang publiko na sundin ang mga itinakdang alituntunin sa ilalim ng election gun ban upang matiyak ang kapayapaan at seguridad sa Bangsamoro region.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *