Patay ang dalawa indibidwal habang dalawang indibidwal rin ang naitalang sugatan nang pagbabarilin ang isang SUV na sinasakyan ng mga biktima sa bahagi ng Jose Lim Street Poblacion 5 Cotabato City pasado 10 ng umaga nito lamang araw ng Martes, ika-16 ng Setyembre 2025.
Kinilala ang mga nasawi na si alyas “Mike” at alyas “Rody” payong-payong driver habang sugatan naman si alyas “Pahima” at ang 11 anyos na anak nito na si alyas” Zay”.
Lumalabas sa imbestigasyon ng Cotabato City PNP na ang mga biktima ay sakay ng SUV na Toyota Fortuner nang pagbabarilin ng apat na hindi pa nakikilalang mga suspek na sakay sa tatlong motorsiklo.
Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang mahigit 50 pirasong basyo ng bala na mula sa 9mm at 45 caliber pistol.
Nagpapatuloy ang isinasagawang follow up investigation ng Cotabato City PNP para alamin ang motibo at suspek sa likod ng pamamaril.