Nasakote ang isang magsasaka sab aril at mga bala sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Brgy. Lagao, Lambayong, Sultan Kudarat nito lamang Setyembre 16, 2025.

Kinilala ang suspek na si alyas “Duk,” 45 anyos, residente ng nasabing barangay.

Nakuha mula sa suspek ang isang cal. 45 pistol na baril na may kasamang magazine na kargado ng pitong bala at isang kulay itim na holster.

Mahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 o Republic Act 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” ang suspek.

Solido ang PNP sa pagtugis sa mga taong may sala sa batas at ilagay sa likod ng rehas.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *