Ipinamahagi ang tig P3,000.00 cash cards sa ilalim ng Fuel Assistance Program ng Pamahalaang Lungsod ng General Santos sa mga magsasaka at mangingisda katuwang ang City Agriculturist’s Office at Department of Agriculture Region XII sa Oval Gymnasium, General Santos City nito lamang ika-16 ng Setyembre 2025.

Pinangunhan ni Hon. City Mayor Lorelie Geronimo Pacquiao, ang pagbibigay ng cash cards.

Umabot sa 195 na mga magsasaka at mangingisda ang nabigyan ng nasabing tulong mula sa pamahalaan.

Ito ay naglalayong makatulong pinansiyal sa mga benepisyaryo dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis na nakakaapekto sa sa mga lokal na tagapag-produce ng pagkain, kabilang ang mas mataas na gastusin sa pagpapatakbo ng bangkang pangisda, mga sistemang irigasyon, at sa pagdadala ng ani sa mga pamilihan.

Layunin din nito na palakasin ang pagpapahalaga sa agrikultura at pangingisda.

Ang Fuel Assistance Program ay sumasalamin sa patuloy na pagsisikap ng pamahalaang lungsod na kilalanin at bigyang-lakas ang mga tagapag-produce ng pagkain bilang mahahalagang katuwang sa pagpapanatili ng matatag na suplay ng pagkain at sa pagpapaunlad ng komunidad.

Photos by: Office of the City Mayor

                  Hon. Lorelie G Pacquiao

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *