Pinangunahan ng Lokal na Pamahalaan ng Surallah ang Basic Security Training para sa mga watchmen na nakatalaga sa iba’t ibang pasilidad ng pamahalaan nito lamang Setyembre 17, 2025.

Pinangunahan ang pagsasanay ng Surallah Municipal Economic Enterprise Management Office (MEEMO) sa pakikipagtulungan ng Surallah Municipal Police Station.

Layunin nitong bigyan ng sapat na kaalaman at kasanayan ang mga security personnel upang mapanatili ang kaligtasan at kaayusan sa mga pampublikong lugar kabilang sa mga itinuro sa pagsasanay ang mga batayang prinsipyo ng seguridad, tamang paraan ng pagsusuri ng bagahe, at wastong paggawa ng Incident Report Log.

Ang mga turo ay ibinahagi nina Police Lieutenant Lemuel Josef Clarete at Police Corporal PJ Subiera mula sa Surallah PNP.

Dumalo rin sa nasabing aktibidad sina Mayor Pedro M. Matinong Jr., Hon. Reynaldo Costan, Committee Chairman on Peace and Order, mga MEEMO Division Chiefs, at si Roberto Arnaiz, bilang patunay ng kanilang suporta at pagtutok sa kapayapaan at seguridad ng bayan.

Sa pamamagitan ng programang ito, muling pinagtibay ng Matinong-Eslabon Administration ang kanilang pangako na palakasin ang kakayahan at kaalaman ng mga bantay-bayan para sa mas ligtas, payapa, at maayos na komunidad.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *