Namahagi ng Birthday Gift Incentive ang lokal na pamahalaan ng Gensan sa mga senior citizen na nagdiwang ng kanilang kaarawan sa buwan ng Enero na ginanap sa Oval Gymnasium, General Santos City nito lamang ika-23 ng Pebrero 2024.
Pinangunahan ni Hon. Lorelie G Pacquiao, City Mayor ang pamamahagi ng birthday gift para sa mga humigit 1,100 na dumalong mga lolo at lola kung saan nakatanggap ang bawat isa ng Php2,000.
Ang aktibidad ay bahagi ng programa ng Office of the Senior Citizen’s Affairs (OSCA) sa tulong ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO).
Ito ay alinsunod na rin sa General Appropriations Act (GAA) 2023 kung saan nakasaad dito na magtulungan ang lahat ng ahensya ng pamahalaan para sa mga plano at programa na nakatuon sa kapakanan ng mga nakakatanda at PWDs.