Isinagawa ang job fair bilang bahagi sa Barangay Visayan Village, Tagum City, Davao del Norte nito lamang Setyembre 23, 2025.
Ang aktibidad ay layong makapaghatid ng oportunidad sa mga mamamayan na naghahanap ng trabaho, at isang konkretong hakbang upang maitaguyod ang lokal na kabuhayan.
Para sa mga interesadong aplikante, kinakailangang magparehistro sa pamamagitan ng Pre-Application Form at magdala ng kanilang resume o biodata.
Bukas ang job fair hanggang 3:00 ng hapon kaya hinihikayat ang lahat ng job seekers na huwag palampasin ang pagkakataong ito.
Ang nasabing aktibidad ay hindi lamang bahagi ng selebrasyon, kundi isa ring paraan ng pamahalaang lungsod upang matulungan ang mga residente sa paghahanap ng trabaho at mapalakas ang ugnayan ng komunidad sa mga kumpanya at ahensya na handang tumanggap ng mga bagong empleyado.
