Maswerteng nakaligtas ang mag-ama matapos pagbabarilin sa Sitio Buldos, Barangay Apas, Datu Hoffer, Maguindanao del Sur nito aman ika-19 ng Setyembre 2025.
Kinilala ang mga biktima na si Datu Ali L. Tabis, 22 taong gulang, at ang ama nitong si alyas alyas “Bong” isang Barangay Kagawad na residente ng Barangay Sayap sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, pauwi na sana ang mag-ama nang bigla na lamang silang paulanan ng bala ng hindi pa nakikilalang suspek.
Maswerteng nakaligtas ang mag-ama ngunit sugatan ang anak nitong si Datu Ali.
Sa kasalukuyan, patuloy na nagpapagaling si Datu Ali habang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang salarin at ang motibo sa likod ng pamamaril.
Nagpaabot na rin ng panawagan ang lokal na pamahalaan sa mga residente na makipagtulungan sa mga imbestigador upang mapabilis ang paglutas sa kasong ito at matiyak ang kaligtasan sa naturang lugar.