Hindi mo na kailangang bumiyahe nang malayo para maranasan ang preskong hangin at tanawin ng kabundukan, dahil nandito lang sa General Santos City ang paraiso ng mga mahilig sa hiking at adventure.

Matatagpuan sa Brgy. Olympog, General Santos City ang Barikot Peak at VSM Nature Park, dalawang destinasyon na perpekto para sa mga nais mag-unwind, mag-relax, at mag-enjoy kasama ang pamilya at mga kaibigan.

Sa Barikot Peak, sasalubungin ka ng malamig na simoy ng hangin, tanawing kahanga-hanga, at nakamamanghang sunrise o sunset view na tiyak na sulit ang bawat pag-akyat.

Sa VSM Nature Park naman, maaari mong maranasan ang mas malapit na pakikipag-ugnayan sa kalikasan, tamang lugar para sa picnic, at pahinga mula sa ingay ng siyudad.

Sa pagbibisita sa mga lugar tulad ng Barikot Peak at VSM Nature Park, paalala po sa lahat na panatilihin ang kalinisan at disiplina.

Dalhin natin ang ating basura, iwasan ang pagsira sa kalikasan, at maging huwaran ng responsableng turista.

Ang ating simpleng pakikiisa sa pangangalaga ng kalikasan ay malaking ambag para mapanatili ang ganda at yaman ng ating kapaligiran para sa mga susunod na henerasyon.

Photos by: Marifosque Family Vlog

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *