Sumuko ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa mga awtoridad sa Brgy. Dumalian, San Miguel, Zamboanga del Sur nito lamang Setyembre 19, 2025.

Kinilala ang sumuko na si alyas “Tony,” 65 anyos, magsasaka at residente ng naturang lugar.

Nabatid na ang sumuko ay kasapi ng National People’s Army (NPA) sa ilalim ng iba’t ibang organisasyon at nagsilbing courier at look-out at kasapi rin ng Indigenous People (IP) sector sa ilalim ng UGMRO Lumad.

Ang pagsuko ng mga tagasuporta at miyembro ng NPA ay nagpapahiwatig ng paghina ng teroristang grupo tungo sa pagkamit ng kaunlaran.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *