Isinagawa ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng Public Employment Service Office (PESO) ang World Café of Opportunities Job Fair ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) nito lamang Setyembre 24, 2025 sa 5th Floor ng SM CDO Downtown, Cagayan de Oro City.

Dinaluhan ito ng iba’t ibang local at overseas employment companies na nag-alok ng mga posisyon sa iba’t ibang larangan gaya ng hotel and restaurant services, construction, caregiving, information technology, at manufacturing.

Bilang suporta, dumalo sa pagbubukas ng nasabing job fair si City Councilor Gilda Go, tagapangulo ng Committee on Cooperative, Labor and Employment, na nagpahayag ng kanyang pasasalamat sa TESDA at PESO sa patuloy na pagtulong sa mga mamamayan upang magkaroon ng disenteng trabaho at mas magandang kinabukasan.

Bukod sa job matching, tampok din sa aktibidad ang career guidance sessions at skills profiling upang higit na matulungan ang mga aplikante sa paghahanda at pagpili ng angkop na trabaho.

Layunin ng aktibidad na magbigay ng mas malawak na pagkakataon para sa mga TESDA alumni at job seekers na makahanap ng trabaho, mapalakas ang kanilang career pathways, at magkaroon ng direktang access sa mga kumpanyang nangangailangan ng karagdagang manggagawa.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *