Naglabas ng executive order ang Lokal na Pamahalaan ng Zamboanga para bumuo ng action team na magbabantay at susuporta sa mga programa ng LGU sa mga island at far-flung barangays ng lungsod para matiyak na walang komunidad ang napag-iiwanan noong Setyembre 24, 2025.
Nakipagpulong si Celso Lobregat, Chief of Staff and Secretary to the Mayor, sa mga kinauukulang barangay chairperson, city department heads, at community representative’s para talakayin ang nasabing EO.

Kabilang sa tungkulin ng naturang grupo ang pangangasiwa sa mga programang pangkalusugan at social welfare programs, tiyaking naipapatupad nang maayos ang wastong pamamahala ng basura, sanitation, hygiene, at beautification na mga inisyatiba.
Iilan din sa mga responsibilidad ng action team ang pagtulong sa mga barangay na makakuha ng drug-free certifications, suportahan ang pagsunod sa Seal of Good Local Governance for Barangays (SGLGB), pag-monitor sa Barangay Development Councils, at iba pa.
Sa pamamagitan ng matibay na koordinasyon sa pagitan ng lokal na pamahalaan at ng mga barangay ay inaasahang makakabuo ng mas responsive at epektibong pamamahala lalo na sa mga underserved na mga lugar sa lungsod.