Isinagawa ang Medical-Dental Outreach Program sa pangunguna ng medical team mula sa Libungan Integrated Provincial Health Office na ginanap sa Barangay Kiloyao, Libungan, Cotabato nito lamang ika-24 ng Setyembre 2025.
Ang medical-dental outreach ay inisyatiba ni Hon. Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza, gobernador ng lalawigan ng Cotabato.



Katuwang sa aktibidad ang mga barangay officials at Rural Health Unit ng bayan.
Umabot sa 193 na mga residente ang nabigyan ng serbisyong medical.
Kabilang sa binibigay na serbisyo ang libreng medical check-ups, dental services, at libreng tuli.
Nagbigay din ng mga libreng food packs.
Bahagi din dito ang idinaos na PhilHealth Konsulta Package Onsite Registration ng mga kawani ng Dr. Amado B. Diaz Provincial Foundation Hospital, kung saan nasa 42 na indibidwal ang matagumpay na nakapagparehistro na nagbukas sa mas malawak na access sa serbisyong pangkalusugan ng pamahalaan.
Layunin ng programang ito na mabigyan ng mga serbisyong pangkalusugan ang mga residenteng nasa liblib na lugar at maipadama ang malasakit at pagtulong ng pamahalaan.