Nasakote ang noturyos na kriminal na tinaguriang Top 5 Most Wanted Person Provincial Level sa kasong Frustrated Murder sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Brgy. Bayabas, Upi, Maguindanao del Norte nito lamang Setyembre 23, 2025.

Kinilala ang suspek na si alyas “Musa” 21 anyos, residente ng naturang lugar.

Inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Frustrated Murder na inisyu ni Hon. Annabelle D.P. Piang, Acting Presiding Judge, RTC Branch 13, 12th Judicial Region, Cotabato City, Maguindanao noong Abril 14, 2025 na may inirekomendang piyansang aabot sa Php200,000.00.

Solido ang PNP sa pagtugis sa mga taong may sala sa batas at ilagay sa likod ng rehas.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *