Matagumpay na naisagawa ang Rido Settlement sa pagitan ng dalawang pamilyang may alitan sa Barangay Pagalungan, Maguindanao del Sur nito lamang Setyembre 29, 2025.

Pumagitna at naging daan sa rido settlement ang mga tauhan ng Pagalungan Municipal Police Station, katuwang ang 40th Infantry Battalion, Philippine Army, Local Government Unit at Provincial Government ng Maguindanao del Sur na naging saksi sa pag-aayos at pagkakasundo kaugnay ng rido sa pagitan ng dalawang pamilyang may hidwaan.

Ang Rido Settlement ay isang mahalagang hakbang upang wakasan ang alitan sa pagitan ng dalawang pamilya at maiwasan ang karahasan sa komunidad.

Sa pamamagitan ng dayalogo at traditional conflict resolution, nagkasundo ang magkabilang panig na tuldukan na ang kanilang hidwaan at mamuhay nang mapayapa.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *