Idinaos ang Medical, Dental, at Legal Mission sa Sitio Katipunan-A, Barangay Magsaysay, Marilog District, Davao City noong Setyembre 30, 2025.
Ang nasabing aktibidad ay inorganisa at pinangunahan ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), sa pakikipagtulungan ng RMDU 11, PRO 11 Legal Service, City Health Office, Local Government Unit, at iba pang katuwang na organisasyon.
Bilang suporta sa nasabing misyon, nagsagawa ang kapulisan ng mga lektyur hinggil sa Oplan Kabalikat Anti-Bullying Program at sa kahalagahan ng Culture of Security, na layuning palakasin ang kamalayan ng komunidad tungkol sa seguridad at pagtutulungan.
Upang higit na mapasaya ang mga miyembro ng Obu-Manuvu Indigenous Cultural Communities o Indigenous Peoples (ICC/IPs), naghandog ang Davao City PNP ng libangan sa pamamagitan ng kanilang magician, na nagdulot ng saya sa mga dumalo.
Ang naturang misyon ay isang malinaw na patunay ng patuloy na suporta at pangako ng kapulisan sa kapakanan, kalusugan, at kultura ng mga Indigenous Peoples.
