Ipinagdiwang ang Elderly Filipino Week at aktibong lumahok ang mga lolo at lola mula sa 23 barangay sa El Anciano Walkathon Activity at Headdress Competition na ginanap sa City Hall Complex, Tagum City, Davao del Norte nito lamang Miyerkules, Oktubre 1, 2025.
Hindi lang ito basta pagdiriwang—ito ay isang makulay na paalala na ang ating mga nakatatanda ay mga haligi ng ating kultura at kasaysayan.
Sa kanilang mga kwento, talento, at karanasan, nagbibigay ito ng inspirasyon sa bawat henerasyon.



Ang pagdiriwang ay hanggang Oktubre 5, 2025 kung saan nakatakdang isagawa ang iba pang mga aktibidad na tiyak na makakapagbigay saya at inspirasyon sa ating mga nakatatanda.
Ang selebrasyon na ito ay isang patunay ng pagkilala at pagpapahalaga ng lokal na pamahalaan sa mga senior citizens, at pagtiyak na patuloy na magiging mahalagang bahagi ng lipunan.