Matagumpay na naisagawa ang Worldwide Coastal Clean-up Drive 2025 sa Sinunuc Boulevard, Zamboanga City nito lamang ika-30 ng Setyembre 2025.

Sa makabuluhang pagpapakita ng pamumuno sa paglilingkod sa komunidad at responsibilidad sa kapaligiran, pinangunahan ng Mindanao ng ACGPI sa pangunguna ni Ginoong Richard Hart Paragas, Deputy Director, Barangay Local Government Unit ng Sinunuc, at sinuportahan ng iba’t ibang pribadong ahensya at mga boluntaryong mamamayan sa pakikipagtulungan ng 2nd Zamboanga City Mobile Force Company “Seaborne”, sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Richard J. Salanguit Commander-in-Chief.

Nagbigay din ng malaking karangalan sa naturang programa ang pagdalo ni Hon. Joel H. Esteban, District 1 City Councilor, bilang Panauhing Pandangal at Tagapagsalita.

Kanyang pinuri ang dedikasyon ng mga tauhan ng 2nd ZCMFC sa mahalagang papel na kanilang ginagampanan hindi lamang sa pagpapanatili ng kapayapaan kundi pati na rin sa adbokasiya para sa kalikasan.

Buong puso rin nitong pinasalamatan ang lahat ng mga boluntaryo, katuwang, at mga stakeholder sa kanilang pagkakaisa at malasakit para sa tagumpay ng aktibidad.

Ang clean-up drive na ito ay nagpapakita ng patuloy na pag-unlad ng papel ng PNP bilang tagapangalaga hindi lamang ng kapayapaan, kundi pati na rin ng kalikasan.

Sa pamamagitan ng ganitong inisyatiba, muling pinagtitibay ang ating sama-samang pangako na itaguyod ang isang mas malinis, mas ligtas, at mas matatag na Zamboanga City para sa kapakanan ng kasalukuyan at mga susunod na henerasyon.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *