Nagwagi ng Bronze Medal si Police Staff Sergeant Lenn Lie Grace Onahon mula sa Bukidnon Police Provincial Office sa katatapos lamang na IPSC Handgun World Shoot XX noong Setyembre 24-30, 2025 sa South Africa.

Si PSSg Onahon ay nagsilbing kinatawan ng bansa at ng PNP sa isa sa mga pinaka-prestihiyosong kompetisyon sa larangan ng practical shooting sa buong mundo.

Ayon sa pamunuan ng Bukidnon PNP, ang nakamit ni PSSg Onahon ay malinaw na patunay ng kanyang dedikasyon, disiplina, at kahusayan, na nagbigay ng malaking karangalan hindi lamang sa organisasyon kundi sa buong sambayanang Pilipino.

Bukod sa pagbibigay ng karangalan, itinatampok din ng kanyang panalo ang pag-angat ng mga kababaihang pulis sa mga disiplina na dati’y pinangungunahan ng kalalakihan, at patunay na ang PNP ay may mga tauhang kayang magtagumpay sa pandaigdigang entablado.

Ang tagumpay ni PSSg Onahon ay magsisilbing inspirasyon sa mas marami pang pulis at kababaihan upang patuloy na paghusayin ang kanilang kakayahan at serbisyo sa bayan.

Photos by: Bukidnon Police Provincial Office

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *