Timbog ang Top 5 Most Wanted Person ng Davao Region sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad bandang 11:15 ng gabi noong Oktubre 3, 2025 sa Purok Quipao, Barangay Gupitan, Kapalong, Davao del Norte.
Kinilala ang suspek na si alyas “Perot”, 33 anyos, laborer.
Inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Murder na walang inirekomendang piyansa.
Solido ang PNP sa pagtugis sa mga taong may sala sa batas at ilagay sa likod ng rehas.