Nasakote ang isang lalaki sa kasong Rape
sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Purok Paraiso, Barangay Galas, Dipolog City, Zamboanga del Norte nito lamang Oktubre 1, 2025.
Kinilala ang suspek na si alyas “Jer”, 74 anyos, may asawa, at residente ng Brgy. Galukso, Roxas, Zamboanga del Norte.
Dinakip ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Rape na walang inirekomendang piyansa.
Ang PNP katuwang ang mamamayan ay kapit-bisig upang mapanatili ang kaayusan, kapayapaan tungo sa pagkamit ng kaunlaran.