Ipinagdiriwang ang Regatta de Zamboanga na nagbigay siklab at makulay na diwa ng Zamboanga Hermosa Festival 2025 sa pagbubukas ng tanyag na Vinta Display sa R.T. Lim Boulevard, Zamboanga City nito lamanng Oktubre 5, 2025

Pinangunahan ng City Government of Zamboanga, sa pamumuno ni Mayor Khymer Olaso, ang kabuuang pagdaraos ng mga aktibidad partikular ang Regatta de Zamboanga, Lechon Festival at iba pa, ang selebrasyon ay hindi lamang isang pagtitipon ng kasayahan, kundi higit sa lahat ay isang pagbubunyi ng pagkakaisa, pananampalataya, at matibay na kultura ng mga ZamboangueƱo.

Bilang bahagi ng masusing paghahanda, nagsanib-puwersa ang Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau of Fire Protection (BFP), Local Government Units (LGUs), Non-Government Organizations (NGOs), at mga force multipliers.

Sama-samang itinataguyod ang seguridad, kaligtasan, at kaayusan ng buong selebrasyon upang masiguro na ang bawat kalahok at bisita ay makakaranas ng isang makulay, ligtas, at makasaysayang pista.

Samantala, tiniyak ng Zamboanga City PNP ang mahigpit na pagpapatupad ng seguridad at kaayusan upang masiguro na ang lahat ng kalahok at bisita ay makapagdiriwang ng Zamboanga Hermosa Festival 2025 nang ligtas at matiwasay.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *