Pinangunahan ang tatlong araw na Training on Cacao and Coffee Nursery Establishment ng Agricultural Training Institute-9 (ATI-9) sa mga magsasaka sa Dapitan City, Zamboanga del Norte noong Oktubre 5, 2025.
Ito’y upang magkapag-produce ng malusog at magandang kalidad na mga seedlings o punlĂ .
Itinuro sa mga kalahok ang tungkol sa crop biology, propagation techniques, site selection, at nursery management.


Maliban sa masinsinang lektiyur, nagkaroon din ng field demonstration upang maturo ang tamang pagpili ng magandang planting materials na susi sa mataas na ani at matagumpay na pagsasaka.
Isagawa rin ang isang araw na field exposure at hands-on training tulad ng pagsasagawa ng potting, pag-aalaga sa mga seedling, at grafting at pruning techniques na nagbibigay sa mga partisipante ng totoong karanasan na kanilang magagamit sa pagsasaka.
Layon ng pagsasanay na mabigyan ng tamang kaalaman at praktikal na kasanayan ang mga magsasaka sa pagtatayo at pangangasiwa ng cacao at coffee nursery.

