Matagumpay na naisagawa ang Rido Settlement sa pagitan ng dalawang pamilyang may alitan na ginanap sa Municipal Covered Court, Pahamudin, SGA-BARMM nito lamang Oktubre 8, 2025.

Naging katuwang ang mga kapulisan sa naturang aktibidad na dinaluhan ng SGA-MPOS BARMM,, MILG, at 34 Infantry Batallion, Philipine Army na naging saksi sa pag-aayos at pagkakasundo kaugnay ng Rido sa pagitan ng dalawang pamilyang may hidwaan.

Ang Rido Settlement ay isang mahalagang hakbang upang wakasan ang alitan sa pagitan ng dalawang pamilya at maiwasan ang karahasan sa kanilang komunidad.

Sa pamamagitan ng dayalogo at traditional conflict resolution, nagkasundo ang magkabilang panig na tuldukan na ang kanilang hidwaan at mamuhay nang mapayapa.

Nagpahayag naman ng pasasalamat ang mga kinatawan ng bawat pamilya sa kapulisan sa kanilang ginampanang papel sa settlement process.

Samantala, tiniyak naman ng mga awtoridad na patuloy magbabantay upang mapanatili ang katahimikan sa lugar.

Hinikayat din ang iba pang komunidad na yakapin ang diwa ng rido settlement bilang isang epektibong paraan upang mapanatili ang kapayapaan sa rehiyon.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *