Nasakote ang isang noturyos na kriminal na tinaguriang Top 5 Most Wanted Person Provincial Level sa kasong Statutory Rape sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Brgy. Makuguihon. Molave, Zamboanga del Sur nito lamang Oktubre 8, 2025.
Kinilala ang suspek na si alyas “Marlou”, 26 anyos, lalaki at residente ng Purok Pinyah, Brgy. Makuguihon, Molave, Zamboanga del Sur.
Dinakip ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Statutory Rape na walang inirekomendang piyansa.
Solido ang PNP sa pagtugis sa mga taong may sala sa batas at ilagay sa likod ng rehas.